Self-rated poverty, bumaba sa ikatlong pagkakataon ayon sa survey

INQUIRER FILE PHOTO

Sa unang pagkakataon sa loob ng tatlong kwarter ay bumaba ang bilang ng mga Pilipino na ikinukunsidera ang kanilang sarili na mahirap.

Lumabas sa bagong social weather stations survey na ginawa mula June 23 hanggang 26, 44 percent ng mga respondents o tinatayang 10.1 million na mga pamilya ang nagsabing mahirap sila.

Ito ay anim na puntos na mas mababa sa 50 percent o 11.5 million na mga pamilya na naitala noong buwan ng Marso.

Batay sa SWS survey, bumaba ng 16 points at ngayon ay 34 percent ang self -rated poverty sa Luzon.

Tumaas naman ng pitong puntos ang self-rated poverty sa Visayas na ngayon ay nasa 64 percent.

Habang ang Mindanao ay nagtala ng pagtaas na apat na puntos na ngayon ay 57 percent.

Noong June 2016, nasa 45 percent ang self-rated poverty pagkatapos ay bumaba ito sa 42 percent noong september pero muling tumaas sa 44 percent noong december ng nakaraang taon.

Lumabas din sa survey na kailangan ng buwanang budget na 10,000 pesos para hindi makunsiderang mahirap.

Pero sinabi naman ng respondents na kailangan nila ng dagdag pang 5,000 pesos para ma-meet ang monthly threshold.

Naitala rin sa survey na 32 percent ang nagsabi na ang uri ng kanilang pagkain ay makukunsiderang mahirap o “food-poor.”

 

 

 

 

 

 

Read more...