Dahil dito, sinabi ng Cebu Pacific na kanselado ngayong araaw, July 21, ang labindalawa nilang flights mula at patungong Cebu.
Kabilang dito ang mga sumusunod na flights:
5J561/554 Manila –Cebu – Manila
5J586/551 Cebu – Manila – Cebu
5J562/553 Cebu – Manila – Cebu
5J563/564 Manila – Cebu – Manila
5J608 Cebu – Clark
5J611 Davao – Cebu
DG 6588/6589 Cebu – Ormoc – Cebu
Pinapayuhan ang mga may biyahe galing at patungo ng Cebu na makipag-ugnayan muna sa Cebu Pacific.
Ang mga pasahero ay maaring magpa-rebook ng kanilang flights 30-araw mula ngayon, o ‘di kaya ay hilingin ang refund ng kanilang pamasahe.
Sinabi rin ng Cebu Pacific na ang nasabing runway closure ay maari ding magdulot ng delay sa iba pang flights patungo sa ibang lugar.
Kabilang sa mga maaring maapektuhan ng delay ang mga domestic at international flights patungo sa mga sumusunod na destinasyon:
Clark (CRK)
Bacolod (BCD)
Busuanga (USU)
Butuan (BXU)
Cagayan (CGY)
Caticlan (MPH)
Camiguin (CGM)
Davao (DVO)
Dipolog (DPL)
Dumaguete (DGT)
Iloilo (Iloilo)
Kalibo (KLO)
Legazpi (LGP)
Ormoc (OMC)
Ozamiz (OZC)
Pagadian (PAG)
Puerto Princesa (PPS)
Siargao (IAO)
Surigao (SUG)
Tacloban (TAC)
Hong Kong (HKG)
Taipei (TPE)
Alas 2:30 ng madaling araw nang simulan ang runway repair at inaasahang matatapos din agad ngayong umaga.
Ayon sa Cebu Pacific, agad silang maglalabas ng abiso sa sandaling maalis na ang umiiral na Notice to Airmen (NOTAM) na inilabas ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).