Ayon kay Atty. John Paul Nabua, abogado ng Grab, ito ay dahil magiging madalang ang bilang ng mga bibiyahe nilang partners.
Katuwiran pa ni Nabua ito ay dahil tataas ang demand para sa kanilang serbisyo ngunit konti ang bumibiyahe.
Sa pagtataya ng abogado sa 28,000 accredited Grab units may 4,000 lang sa mga ito ang may provisional authority.
Nagtungo sa tanggapan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) si Nabua para isumite ang hinihinging motion for reconsideration ng ahensiya para bawiin ang crackdown order.
Kasabay nito ay binayaran na rin ni Nabua ang P5 Million multa sa Grab dahil sa iba’t ibang mga violations.
Kahapon sa Senado ay nagkasundo ang LTFRB at ang mga kinatawan ng Uber at Grab na wala munang magaganap na hulihan sa July 28 sa kundisyon na susunod sila sa mga panuntuna ng ahensiya kaugnay sa pagkuha ng prangkisa.