Peace talk sa CPP-NPA isang malaking kalokohan ayon kay Honasan

Inquirer file photo

Suportado ng ilang senador ang ginawang suspensyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa peace talks sa pagitan ng Communist Party of the Philippines at ng pagmahalaan kasunod ng mga pag-atake ng makakaliwang grupo.

Ayon kay Sen. Gringo Honasan, tama ang pangulo dahil hindi umano maaaring umusad ang usapang pangkapayapaan habang nagpapatuloy naman ang kaliwa’t kanang patayan.

Paliwanag ni Honasan, kung magpapatuloy ang ganitong sitwasyon ay mistulang lokohan lamang na ituloy pa ang negosasyon

Giit pa ni Honasan, pagpapakita lamang ito ng bad faith sa panig ng makakaliwang grupo.

Maliban dito, kinwestiyon din ni Honasan kung bakit hindi man lang kinokondena ng liderato ng CPP-NPA ang mga pag-atake at gayundin ang kawalang kontrol sa kanilang mga miyembro sa ibaba.

Read more...