Paliwanag ni Poe, sa Sabado, sa isasagawang joint session ng mababang kapulungan at senado makakapagdesisyon sya kung papayag ba siya sa extension ng martial law at kung gaano ito katagal.
Samantala, iginiit ni Poe na dapat ay present sa Sabado sa gagawing joint special session ang mga opisyal at kinauukulan na nakatoka sa planong rehabilitasyon sa Marawi City upang maging mas malinaw silang makapagdesisyon sa usapin.
Nagsagawa ng executive briefing ang mga senador at ang mga security officials sa Senado kahapon sa pangunguna ni Defense Sec. Delfin Lorenzana, Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Gen. Eduardo Año at National Security Adviser Hermogenes Esperon upang mabigyan ng update sa sitwasyon sa Marawi ang mga mambabatas at maintindihan kung may pangangailangan pa ba na palalawigin ang martial law sa Mindanao.