Base sa walong pahinang liham ng pangulo kina Alvarez at Senate President Aquilino Pimentel, nais nito na palawigin ang Batas Militar hanggang sa December 31 ng kasalukuyang taon.
Nakasaad dito na base sa rekomendasyon ng afp at pnp dapat palawigin ang martial law at suspension of the privilege of the writ of habeas corpus dahil sa malaking problema pa ang lumutang kasunod ng gulo sa Marawi.
Aminado rin ang pangulo na hawak pa rin ng mga terorista ang Marawi City gayundin ang Western at Central Mindanao.
Malakas pa rin anya ang liderato mga terorista dahil hindi pa rin naaresto sina Isnilon Hapilon, ang Maute brothers at ang foreign terrorist na si Mahmud Bin Ahmad.
Laman pa rin ng liham na sa 279 na target arestuhin ay nasa 12 pa lamang ang nahuhuli at patuloy pa rin naman ang recruitment ng Maute upang palakasin ang kanilang puwersa.
Hawak pa rin ayon sa pangulo ng mga ito ang mga malalaks na armas tulad ng rocket proppeled grenades.
Bukod dito, nagkalat din sa Mindanao ang iba pang mga kalaban ng gobyerno na maaring manggulo anumang oras.
Nakasaad din sa liham na natuklasan ng pamahalaan na pinopondohan nina Hapilon at ng Maute brothers si ASG Sub Leader Furuji Indama upang atalihin ang Basilan, Cagayan de Oro, General Santos City at Zamboanga City.