Ayon kay Esperon, walang basehan ang pagkontra ng komunistang grupo sa martial law extension dahil wala namang naitalang pag-abuso o anumang reklamo laban sa mga sundalao habang umiiral ang batas militar sa Mindanao.
Taliwas dito, ani Esperon, ang gumagawa pa ng kasamaan sa mamamayang Pilipino ay ang CPP, partikular ang armadong grupo nito na NPA.
Tinukoy ni Esperon, ang panggugulo o pagatake ng NPA sa ibat ibang lugar tulad, ng pag-atake nila sa mga kasapi ng PSG o Presidential Security Group sa Cotabato, pagsunog sa mga construction equipment at extortion activities.
Kasama si Esperon nina Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff General Eduardo Año at Defense Secretary Delfin Lorenzana na nagbigay ng briefing kanina sa mga senador kaugnay sa sitwasyon sa Mindanao partikular sa Marawi City na kinubkob ng Maute terror group.