Engkwentro ng NPA at PSG sa North Cotabato, kinundena ng Malacañang

Kinundena ng Malakañang ang bagong engkwentro sa pagitan ng New Peoples’ Army (NPA) at Presidential Security Group (PSG) sa Arakan, Cotobato.

Ayon sa isang pahayag na inilabas ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella, nasa mahigit kumulang 50 NPA ang nagpanggap na sundalo ng Task Force Davao ang nagsagawa ng checkpoint habang nagsasagawa naman ng administrative coordination ang PSG.

Napansin daw ng PSG ang aktibidad ng naturang grupo na di kinalaunan ay nag resulta ito sa engkwntro.

Una nang nilinaw ng pamunuan ng PSG na hindi pananambang ang naganap kanina na nagresulta sa pagkakasugat ng 4 nilang kasamahan.

Matapos nito ay naglabas si Pangulong Duterte ng direktiba sa sa peace negotiators na huwag na munang ituloy ang ika-limang round ng peace talks sa Communist Party of the Philippines (CPP)-National Democratic Front of the Philippines (NDFP).

Sa ngayon ay nagpapagaling na ang mga sugatang PSG.

Read more...