Sa ilalim ng Department Order 489, inatasan ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang NBI para magsagawa ng case build-up sa insidente at magsumite ng ulat kaugnay sa estado ng imbestigasyon.
Si Rizal Assistant Provincial Prosecutor Maria Ronatay ay sakay ng kanyang SUV nang siya ay tambangan at barilin ng dalawang lalaki na magka-angkas sa motorsiklo sa Brgy San Isidro sa Tanay, Rizal noong isang araw.
Sinabi ni Aguirre na kinukundena niya nang husto ang pagpatay kay Ronatay.
Kasunod nito nakikiramay ang DOJ sa naulilang pamilya ni piskal Ronatay.
Para naman matiyak ang seguridad ng mga prosecutors na humahawak ng ibat ibang kaso, sinabi ng kalihim na tinutulungan nila ang kanilang mga piskal na agad makakuha ng license to carry firearms bilang dagdag na protective measure.