Nakilala ng Manila Police District ang naaresto na si Raymond Mendoza, 21 taong gulang.
Naaresto ang suspek nuong July 17 dakong alas-5:40 ng hapon sa kanto ng Carriedo Street at Sales St sa Sta. Cruz, Maynila.
Narekober mula kay Mendoza ang isang kalibre .38 revolver, dalawang bala at isang fragmentation hand grenade.
Isinalang ito sa inquest proceedings sa Manila Prosecutor’s Office kung saan ipinagharap ito ng reklamong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Act at RA 9516 o Illegal Possession of Explosives.
Ayon sa tagapagsalita ng MPD na si Supt. Erwin Margarejo, posible rin na maharap si Mendoza sa karagdagang reklamo dahil ang kanyang pangalan ay isinasangkot ni Abel Macaraya, unang suspek na naaresto sa Quiapo blast, sa nasabing insidente.
Si Macaraya na unang nadakip ng MPD ang itinuro ng mga eyewitness at nakita rin sa CCTV footage na naglagay ng kahina-hinalang package sa pinangyarihan ng pagsabog sa Soler Street nuong April 28.