Suspected Turkish terror group ipinagtanggol ng AFP

Hindi kinokonsiderang terorista ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang Turkish group na Fethullah Gulen na kasalukuyang nasa bansa.

Ayon kay AFP Chief of Staff General Eduardo Año, nakatutulong sa komunidad ang mga gawain ng naturang Turkish group.

Matatandaang nauna nang nagbabala si Turkish Ambassador Esra Cankour tungkol sa mga gawain ng mga Turkish terrorist, partikular na ang Fethullah Gulen Movement sa Pilipinas.

Aniya, nasa bansa ang naturang grupo simula pa noong huling bahagi ng 1990’s.

SInasabing nagpatayo rin ng ilang educational institution sa Zamboanga Peninsula at Maynila ang nasabing grupo.

Ani Año, maaaring mayroong sarilihing basehan si Cankorur kung bakit ito nagbabala.

Read more...