Ang kasunduan ay pinagtibay makaraan ang closed-door meeting sa Senado ng mga opisyal ng LTFRB, Uber at Grab.
Pinangunahan ni Sen. Grace Poe, Chairperson ng Senate Public Services Committee ang nasabing pulong.
Sinabi ni Poe na habang pinag-aaralan ng LTFRB ang motion for reconsideration na ihahain ng Grab at Uber ay tuloy ang kanilang pamamasada.
Magugunitang sinabi ng LTFRB na dapat munang kumuha ang nasabing mga Transport Network Companies ng prangkisa at saka lamang sila papayagang pumasada.
Ngayong araw ay nahirapang kumuha ng Uber at Grab services ang ilang mga residente ng Metro Manila dahil sa pangamba ng nasabing mga TNCs na sisimulan na ng LTFRB ang kanilang crackdown operations.