Magbabalik sa San Antonio Spurs si basketball legend Manu Ginobili para sa ika-labing anim na seasons.
Noong nakaraang season ay nagpahiwatig si Ginobili na magreretiro na matapos matalo ang Spurs sa Western Conference finals laban sa Golden State Warriors.
Ngunit ayon sa ESPN, tinatapos na sa ngayon ang bagong kontrata ni Ginobili para sa isa pang season.
Sa 922 regular-season games ni Ginobili ay nakakuha ito ng average 13.6 points kada laro, na may 3.6 rebounds, 3.9 assists, at 1.4 steals.
Sa buong karera ni Ginobili sa NBA ay naglaro ito para sa Spurs.
Ang 39-anyos na Argentinian player ay unang naglaro sa professional league sa kanilang bansa noong 1995 hanggang sa mapabilang siya sa NBA draft noong 1999.
MOST READ
LATEST STORIES