Martial law extension sa Mindanao tiyak na ayon kay Esperon

Inquirer photo

Tiwala si National Security Adviser Hermogenes Esperon na kakatigan ng mga mambabatas ang pagpapalawig ng martial law sa buong Mindanao region.

Sa pagtatapos ng executive briefing sa Senado na dinaluhan nina Defense Sec. Delfin Lorenzana, Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Eduardo Año sinabi nito na malalaman sa Sabado kung ano ang magiging pinal na desisyon ng Kongreso sa isyu kaugnay sa gaganaping joint session.

Idinepensa naman ni Esperon ang pangangailangan ng extension ng martial law lalo’t nakasalalay umano sa kaayusan sa Mindanao ang kapalaran ng usaping pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno ng mga rebeldeng grupo na kinabibilangan ng Moro Islamic Liberation Front, Moro National Liberation Front at Communist Party of the Philippines.

Nauna nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na kailangan niya ang martial law extension ng hanggang sa katapusan ng taon para matiyak na maibabalik sa normal ang pamumuhay ng mga tao sa rehiyon.

Read more...