Walang magaganap na pag-uusap sa pagitan ng pamahalaan at ng Communist Party of the Philippines kung hindi titigil sa kanilang mga opensiba ang New People’s Army (NPA).
Sa kanyang direktiba kay Labor Sec. Sylvestre Bello III na siyang pinuno ng government peace panel, sinabi ng pangulo na ito ang polisiya ng kanyang administrasyon.
Ang nasabing pahayag ay kasunod ng ginawang pag-ambush ng halos ay 100 miyembro ng NPA sa two-vehicle convoy ng Presidential Security Group (PSG) sa bayan ng Arakan, Cotabato.
Bagaman walang napatay sa mga tauhan ng PSG ay ilan naman sa kanila ang sinasabing sugatan sa pananambang.
Noong Mayo ay hindi natuloy ang ikalimang round ng peace talks sa hanay ng pamahalaan at ng komunistang grupo dahil din sa mga pag-atake ng mga rebelde.
Nauna nang sinabi ng Malacañang na sa buwan ng Agosto itutuloy ang pag-uusap pero muling itong nakansela dahil sa ginawang pag-ambush kanilang umaga ng mga NPA members sa mga tauhan ng PSG.