Ito ay matapos sabihin ng State TV ng Russia na ang nasabing laruan ay maaaring maging dahilan upang madaling maimpluwensyahan ng mga mensahe ng oposisyon ang mga tao.
Ayon pa sa palabas sa Rossiya 24 television na “Virus,” ang nasabing laruan ay mga “instrument for zombifying” at isang “form of hypnosis.”
Ayon sa Rospotrebnadzor, nagiging mas agresibo ang mga bata at teenagers na gumagamit ng fidget spinner, bagay na napapansin din ng mga guro at magulang.
Anila, pinatitingnan nila sa mga scientists kung anu-ano ang mga epekto ng paggamit ng fidget spinners sa kalusugan ng mga bata, maging kung mayroon itong mga negatibong dulot.
Inilabas naman sa Life News, isang pro-government news site, ang “Seven tragedies that happened to children because of spinners,” kasama na ang pagkaka-stuck ng daliri ng isang anim na taong gulang na bata sa fidget spinner.
Agad namang nakakuha ng pambabatikos ang nais ng Rospotrebnadzor na pag-aralan ang dulot ng fidget spinner.