Ayon kay Presidential Communications Office Sec. Martin Andanar, uuwi sa Davao City ang pangulo at doon din ito magre-rehearse para sa nalalapit na SONA sa Lunes, July 24.
Nakatakda ring magtungo sa lungsod ang mga miyembro ng gabinete para magtulong-tulong upang mabuo ang speech.
Ayon kay Andanar, magsasagawa din ng pagpupulong ang mga cabinet member para sa technical details ng ikalawang ulat sa bayan ng pangulo.
Una nang sinabi ng Malakanyang na personal na pinangangasiwaan ni Pangulong Duterte ang lalamanin ng kaniyang SONA.
Mismong ang pangulo umano ang nagbabawas o nagdaragdag sa speech depende sa kaniyang nais na ilagay o alisin.