Iginiit ni Lacson kung ang nakaraang dalawang pagdinig noong 16th Congress sa pamumuno ni Senador Grace Poe bilang chair ng Committee on Public Order and Dangerous Drugs ay walang na achieve ano pa kaya ang ikatlong pagdinig na hinahangad ni Gordon.
Paliwanag pa ni Lacson, naisampa na ng Ombudsman ang kaso laban kay dating Pangulong Noynoy Aquino sa Sandiganbayan kung kayat mas makakabuti aniya na ipaubaya na lamang ito sa korte.
Matatandaan na lumabas sa pagdinig sa Senado na kinausap at hinayaan ni Pangulong Aquino kahit na suspendido si dating PNP Chief Alan Purisima na manguna sa operasyon ng SAF Troopers sa Mamasapano Maguindanao.
Lumalabas din na hindi ipinaalam nila Aquino at Purisima sa dating OIC PNP Chief at dating AFP Chief ang naturang operasyon na nauwi sa pagkakasawi sa hanay ng tropa ng gobyerno laban sa grupo ng MILF at private army.