Duterte, gustong ipatanggal ang kanyang ‘portrait’ sa mga gov’t offices

 

Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na alisin ang lahat ng kanyang mga larawan sa mga tanggapan ng gobyerno sa buong bansa.

Sa halip, plano ni Pangulong Duterte na papalitan ito ng mga larawan ng mga bayani ng Pilipinas.

Sa kanyang talumpati sa Malacañang Martes, sinabi ng pangulo na kahit noong alkalde pa lamang siya ng Davao City ay hindi niya pinapayagan na ilagay sa mga local government offices ang kanyang larawan.

Sa halip, mas makabubuti aniyang ang mga larawan ng mga bayani ang maipaskil sa mga tanggapan ng gobyerno upang ito ang makita at makilala ng mga kabataan.

Binanggit pa ng pangulo na ilan sa mga naka-display na larawan ng mga naging pangulo ng bansa sa mga government offices ay nakasuhan ng graft and corruption.

Read more...