Ayon kay Nograles, tama lang naman na huwag payagan ng LTFRB ang mga hindi rehistradong drivers at operators ng Uber at Grab.
Gayunman, sinabi ng mambabatas na hindi rin naman dapat magbulag-bulagan ang ahensya sa katotohanan na mas komportable at mas ligtas ang pakiramdam ng nakararaming commuters sa paggamit ng mga Transport Network Services (TNS).
Aniya, maling diskarte ang pag-phase out sa Uber at Grab, lalo na’t madalas nakakaaberya ang mga tren ng MRT-3, LRT-1 at LRT-2.
Sang-ayon rin si Nograles sa komento ng isang gumagamit ng Grab and Uber, na hindi ang TNS units ang dapat sisihin sa pagtindi ng problema sa trapiko, kundi ang mga pasaway at colorum na mga pampublikong sasakyan.
Dahil dito, mas makabubuting unahing solusyunan ng LTFRB ang totoong dahilan ng trapik tulad ng mga iligal na terminal, colorum na mga taxi, bus at jeep.
Nananawagan ngayon si Nograles na makaisip ng bagong “win-win solution” sa problema.