Piso, patuloy ang pagbaba

 

Patuloy ang pagbaba ng halaga ng piso kontra dolyar sa kabila ng pagsigla ng iba pang mga currencies sa Asya.

Sa Philippine Dealing System, nagbukas sa P50.73 ang palitan kada dolyar bago ito nagsara P50.70 per dollar.

Umakyat naman ang total volume sa $653 million mula sa $255.95 million noong nakaraang Lunes.

Ayon kay ING BANK Manila senior economist Joey Cuyegkeng, nananatiling ‘underperformer’ ang piso dahil habang lumalakas ang ibang currency linggu-linggo, ay humihina naman ito.

Read more...