Walang banta ng terorismo sa ikalawang SONA ni Duterte – NCRPO

Walang nakikitang anumang banta ng terorismo ang Philippine National Police (PNP) sa nalalapit na ikalawang State of the Nationa Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa July 24.

Ito ay sa kabila ng napaulat na planong pag-atake ng New People’s Army.

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Oscar Albayalde, magsasagawa pa rin sila ng mga operasyon bilang bahagi ng security measures tulad ng ginagawa nila kapag mayroong major events sa NCR.

Una nang sinabi ng PNP na aabot sa 6,300 na pulis ang idedeploy sa SONA ng pangulo, na mataas sa apat na libo na ipinakalat noong nakaraang taon.

Sinabi pa ni Albayalde na ang skeletal deployment ng mga pulis ay isasagawa ngayong darating na weekend, habang ang full deployment naman ay sa umaga ng July 24.

Noong nakaraang Lunes, sinabi ni PNP chief Director Gen. Ronald Dela Rosa na mayroong ulat na magsasagawa ng pag-atake ang NPA sa Davao City bago ang SONA ni Pangulong Duterte.

Read more...