Ito ang tugon ng komunistang grupo matapos palawigin hanggang sa katapusan ng taon ang idineklarang Martial Law ni Pangulong Rodrigo Duterte sa buong Mindanao.
Ayon sa CPP, magreresulta lamang ang pagpapalawig sa Martial Law sa mas malupit na pang-aabuso ng militar at pulis.
Pahahabain din aniya nito ang paghihigpit laban sa civil at political freedom at palalalain ang mga paglabag sa demokratikong karapatan ng mamamayan.
Sinabi din ng CPP na ang Martial Law sa Mindanao ay pag-atake sa karapatan at kalayaan ng bawat Filipino.
Binanggit din ng komunistang grupo na sa nagdaang dalawang buwan, naglunsad ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ng opensiba laban sa NPA, tulad ng aerial bombings sa North Cotabato, Bukidnon, Davao del Sur, Davao City, Davao del Norte, at Compostela Valley.