Pero panawagan ni Assemblyman Zia Alonto Adiong, Spokesman ng Lanao Del Sur Provincial Disaster Management Committee, dapat munang tiyakin ng pamahalaan na hindi lang ang opensiba sa Maute ang ipagpatuloy kundi tiyakin rin na maibibigay ang pangangailanan ng mga evacuees.
Mahalaga rin na mailatag muna ang recovery plan ayon pa sa opisyal.
Binigyang diin pa ni Adiong na pinakamahalaga sa mga residente ng Lanao del Sur na maibalik ang kanilang normal na pamumuhay habang nasa ilaim ng batas militar.
Inamin rin ng opisyal na dahil sa pagkatig ng Supreme Court sa legalidad ng batas militar sa Mindanao ay hindi na rin sila pumalag sa implementasyon ito.
Nauna nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na kailangan niyang ipatupad ang martial law sa Mindanao ng hanggang sa December 31 mara matiyak na ligtas ang rehiyon sa banta ng terorismo.