Duterte sa AFP: Huwag kayong magpahuli ng buhay sa mga kaaway

PTV

Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang turnover ceremony ng mga bagong baril para sa mga opisyal at tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Kabilang dito ang mga Cal. 45 pistols na ibibigay bilang official sidearms ng mga tauhan ng Militar.

“Noong bata pa ako ay nagtataka ako bakit walang mga dalang baril ang mga sundalo kapag wala sila sa duty”, ayon sa pangulo.

Yun umano ang sinasamantala ng mga kalaban ng pamahalaan kaya madaling maging target ang mga sundalo na hindi unipormado.

“Ngayong ako na ang pangulo titiyakin ko na mabibigyan ng baril ang mga tauhan ng AFP para idepensa ang inyong sarili”, paliwanag pa ni Duterte.

Nagbigay rin siya ng paalala sa kanyang mga tauhan na huwag magpahuli ng buhay sa mga kalaban.

Ayon pa sa pangulo, “tiyakin ninyong yung huling magazine ng inyong mga baril ay para sa inyong sarili, huwag kayong pumayag na gawin nila kayong baboy…shoot yourself if you need to”.

Kasabay nito, inutusan ng pangulo ang mga opisyal ng AFP na tiyaking hindi magagamit sa pagsasamantala ang mga bagong baril na ibibigay sa mga tauhan ng militar.

Read more...