DAR Sec. Rafael Mariano, walang idineklarang real property sa kaniyang 2016 SALN

Si Department of Agrarian Reform Sec. Rafael Mariano ang maituturing na pinakamahirap na miyembro ng gabinete base sa isinumite nitong 2016 SALN.

Sa nasabing dokumento, walang idineklarang real property si Mariano, maliban lamang sa kaniyang mga damit na nagkakahalaga ng P35,000 at savings sa bangko na P238,629.

Sa kabuuan, nasa P279,639 ang halaga ng ari-arian ni Mariano.

Si National Anti-Poverty Commission Sec. Liza Maza naman ay mayroong P731,716 na net worth.

Sila Mariano at Maza ang dalawang natatanging miyembro ng gabinete na hindi milyunaryo.

Samantala, si Defense Sec. Delfin Lorenzana ay nagdeklara ng P3.7 million na net worth; P2 million naman kay Social Welfare Sec. Judy Taguiwalo at P1.2 million si Health Sec. Paulyn Ubial.

 

 

Read more...