Naglabas ng travel warning ang United States sa mga mamamayan nito na bibiyahe sa ilang lugar sa Pilipinas.
Binalaan ng US State Department ang mga mamamayan nitong iwasang bumiyahe sa Marawi City at sa Sulu.
Ito ay dahil sa banta ng mga pagdukot sa mga banyaga ng mga terorista at mga rebeldeng grupo.
Kinakailangan din munang kumuha ng “special authorization” mula sa US Embassy ng tauhan ng gobyerno ng US.
Pinaalalahanan din ng US Embassy ang mga mamamayan nito sa mga pag-atake na isinagawa ng extremist groups sa Mindanao, partikular na ang Davao City bombing noong 2016 at ang nagpapatuloy na bakbakan sa Marawi City.
MOST READ
LATEST STORIES