Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, partikular na hiniling ng pangulo sa Senado at sa Kamara na palawigin ng martial law declaration hanggang sa December 31, 2017.
Sa liham ni Pangulong Duterte sa kongreso, sinabi nitong ang “existing rebellion” sa Mindanao ay hindi matatapos July 22.
At bilang pagsasaalang-alang aniya sa public safety, kinakailangang palawigin pa ang martial law.
Sinabi ni Abella na sa pamamagitan ng pagpapalawig pa ng martial law, matutugunan ang banta ng local terrorist groups.
Pero ayon kay Abella, kahit nagbigay ng petsa ng extension si Pangulong Duterte, nasa kongreso pa rin ang pinal na pasya kung aaprubahan ito.
Pinagbasehan aniya ng pangulo sa hininging extension ang rekomendasyon na isinumite ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP).
Ang 60-araw na deklarasyon ng martial law ay nakatakdang mapasok sa July 22, 2017.