DPWH Sec. Mark Villar, natatanging bilyonaryo sa hanay ng mga gabinete ng Duterte admin

Si Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pinakamayaman na miyembro ng gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte na mayroong P1.41 billion net worth base sa kaniyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN).

Kasama sa idineklarang assets ni Villar ang apat na condominium units at tatlong bahay at lupa na nagkakahalaga ng hanggang P135 million.

Ang nalalabi pang P1.29 billion na halaga ng ari-arian ng kalihim ay hindi naman na partikular tinukoy.

Ang sunod namang pinakamayaman sa gabinete ni Duterte ay si Finance Sec. Carlos Dominguez na mayroong P352 million net worth at walang liabilities.

Malaking bahagi ng assets ni Dominguez ay mula sa shares at stocks nito na nagkakahalaga sa P166 million.

Sumusunod kay Dominguez si Information and Technology Sec. Rodolfo Salalima na mayroong P305 million na total assets at net worth. Si Salalima ay mayroon ding mga pag-aari na labingtatlong sasakyan kasama na ang dalawang Mercedes Benz at isang Toyota Land Cruiser.

Si Transportation Sec. Arthur Tugade ay mayroong net worth na aabot sa P302 million kabilang ang P57 million na halaga ng kaniyang offshore investments.

Samantala, bago ma-bypass ng Commission on Appointments ay nakapagsumite pa ng SALN si dating Environment Sec. Gina Lopez at nagdeklara ito ng P266 million na halaga ng ari-arian.

 

 

 

 

 

Read more...