Aabot na sa 1,500 na motorista na ang naparusahan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) dahil sa illegal parking at nasa 100 sasakyan na ang kanilang nakumpiska na walang prangkisa.
Ito ay mula Mayo hanggang Hunyo lamang ng taong ito.
Ayon kay MMDA Chairman Danilo Lim, ang mga sasakyan ay kadalasang bumabyahe ng 19.24 km per hour sa 23 kilometrong daanan ng EDSA.
Dahilan daw kasi ng pagbabara ay ang mga sasakyan na naka-illegal parking, nagkalat na street vendors at iba pang harang sa kalsada na sa ngayon ay medyo nabawasan na dulot ng iba’t iba nilang programa.
Bunga nito nabawasan umano ng 11 minuto ang travel time o oras ng haba ng byahe sa EDSA ayon MMDA.
Ayon sa ahensya, base sa kanilang pag-aaral, mula Enero hanggang Hulyo ng taon na ito, ang average travel time sa EDSA mula Roxas Blvd, Pasay City hanggang Balintawak, Quezon City na ay nasa 1 oras at 12 minuto lamang.
Mas mabilis din aniya ito kumpara sa record ng kanilang tanggapan noong Disyembre hanggang Hulyo noong nakaraang taon.
Matatandaang una ng lumutang ang ideya ng 2-day number coding scheme para maibsan ang problema sa trapiko.
Samantala, batid naman ng MMDA na hindi lahat ay sasangayon sa kanilang mabuting balita.