Bata sugatan sa pagsabog sa Makati

Nasugatan ang isang batang lalaki matapos ang pagsabog na naganap sa Makati City, Martes ng madaling araw.

Hindi pa matukoy kung anong uri ng pagsabog ang ginamit na itinapon sa isang nakaparadang tow truck dakong ala una ng madaling araw sa Barangay Pio del Pilar.

Nasa impounding area ang tow truck sa bahagi ng Osmeña Highway at Caljoun Street nang maganap ang insidente.

Tinamaan ng shrapnel ang isang apat na taong gulang na bata na noon ay natutulog sa kanilang bahay malapit sa lugar.

Dinala na sa pagamutan ang bata upang malapatan ng lunas.

Patuloy pang iniimbestigahan ang insidente.

 

 

 

 

Read more...