10-hour, 4-day work week, isinusulong

Inquirer file photo

Isinusulong ni Quezon City Rep. Winston Castelo ang 10-hour, 4-day work week upang maiwasan ang pagdagsa ng mga sasakyan s EDSA.

Sa panukala, hindi magbabago ang kabuuang oras ng pagtatrabaho na kailangan kada araw na nakasaad Magna Carta of Labor.

Makakabawas din sa pamasahe at makakaiwas sa bultung-bultong dagsa ng mga sinasakyan sa mga pangunahing lansangan.

Kasama narin rito ang pagkakaroon ng katipiran ng mga kumpanya sa maintenance cost, at overtime payment sa mga empleyado.

Mabibigyan naman ng pagkakataon ang mga empleyado na magsagawa ng kanilang mga personal na lakad ang mga manggagawa.

Sinabi ni Castelo na ito ay isinusulong pa lang at maaaring gawing isang experiment upang subukan ang nasabing panukala.

Nakasaad pa sa isinusulong ang pagpasok ng mga mangagawa mula 8am hanggang 7pm, mula Lunes hanggang Huwebes.

Sa kabila nito, patuloy na naghahanap ang gobyerno ng solusyon upang mabawasan ang trapik sa Metro Manila.

Tinitingnan ni Pangulong Aquino ang pagsasabuhay ng dating odd-even scheme, ngunit na maaaring makatulong, ngunit giit naman ng mga commuter na hindi na maiiwasan ang pagdagsa ng sasakyan, dahil marami na sa mga commuters ang kayang makabili ng sasakyang gagamitin sa kanilang pasok.

Read more...