Mag-aalay ng bulaklak ang Pangulo bilang paggunita sa mga kabayanihang ginawa ng mga Pilipinong nagsakripisyo para sa bayan.
Dadalo sina Defense Secretary Voltaire Gazmin, Armed Forces of the Philippines chief of staff Gen. Hernando Irriberi, Taguig Mayor Lani Cayetano, Rep. Lino Cayetano at Ma. Serena Diokno of the National Historical Commission.
Darating din ang ilang mga sundalo, na makikiisa sa taunang pagdiriwang sa Libingan ng mga Bayani sa Fort Bonifacio, kung saan mag aalay din ng bulaklak si Pangulong Aquino sa “Tomb of the Unknown Soldier.”
Sa presscon naman, sinabi ni Press Secretary Herminio Coloma Jr., na marapat na bigyang pugay ang mga bayani na nagbuwis ng kanilang buhay upang ipaglaban, itaguyod, at itanghal ang ating kasarinlan na siyang naging pundasyon ng ating tinatamasang pag-unlad.
Ngayong taon, ang tema ng pagdiriwang ay “Bayaning Pilipino Noon at Ngayon: Ang Simula at Tagapagpatuloy ng Malawakang Pagbabago.”
Magkakaroon naman ng 21-gun salute bilang pagpupugay, sa hudyat ng pagdating ni Pangulong Aquino.