Illegal recruiter, inireklamo ng 100 complainant

 

Patung-patong na kaso ang kahaharapin ng isang babae na inaakusahan ng pagtangay ng pera ng may 100 nangangarap na makapag-trabaho sa ibang bansa.

Inaresto sa entrapment operation ng NBI-Special Action Unit si Analyn Ducusin sa isang mall sa lungsod ng Pasay..

Ayon sa mga biktima na tumangging humarap sa camera, pinangakuan sila ni Ducusin ng trabaho bilang refugee sa Japan at hiningian sila ng hanggang P38,000 para sa pag-proseso ng kanilang visa at iba pang mga dokumento.

Lumipas ang mga buwan ang pananabik ng mga biktima ay unti-unting napalitan ng pagdududa dahil hindi pa sila nakaka-alis ng bansa at madalang na rin silang harapin ni Ducusin.

Nang hindi na maibalik ng suspek ang kanilang pera ay nagpasaklolo na sa NBI ang mga biktima.

Nadiskubre na si Ducusin ay hindi licensed overseas job recruiter ng Philippine Overseas Employment Administration.

Matapos maaresto, isinalang ang suspek sa inquest proceedings sa Department of Justice sa mga kasong large scale illegal recruitment base sa Republic Act 8042 o ang Migrant Workers and Overseas Filipinos Act of 1995 at estafa.katuparan.

Read more...