Sa iskor na 93-82 sa laban kahapon sa Taipei Peace International Basketball Hall, napalawig ng Gilas Pilipinas ang record nito sa 2-1.
Bagamat hirap ang koponan sa unang quarter ng laban kung saan lamang ang Chinese Taipei B, pinalakas ng national team ang opensa hanggang sa lumamang sa 2nd quarter.
Hindi naman nagpahuli ang team ng host country sa 3rd at 4th quarter at hindi hinayaang lumaki ang lamang ng Gilas.
Pinangunahan ni Matthew Wright ang Gilas sa kanyang 21 points kung saan lima rito ay 3-pointer shots habang si Pogoy at Myers ay nagtala ng 15 at 14 points.
Umaasa ang Gilas na masungkit ang ikatlong panalo sa kanilang laban kontra Japan na gaganapin ngayong araw.