Malaking bahagi ng EDSA mula Quezon City hanggang Mandaluyong, okupado ng mga kasapi ng INC

Kuha ni Mariel Cruz

Nagmistulang malaking parking lot ang ilang bahagi ng EDSA mula Santolan hanggang Ortigas dahil sa dami ng mga sasakyan ng mga kasapi ng Iglesia ni Cristo.

Batay sa pagtaya ng PNP-NCRPO, nasa higit dalawampung libo ang bilang ng mga kasapi ng INC ang nananatili sa EDSA.

Sa bahagi ng Shaw-Boulevard ang permit na ibinigay ng Mandaluyong City government ngunit hanggang bahagi ng Quezon City sa EDSA ay nasakop ng mga kasapi nito.

Ang pananatili ng mga kasapi ng mga kasapi ng INC ay nasa kunsiderasyon ng pamahalaang lungsod ng Mandaluyong. Hanggang kahapon lamang ang permit to rally na ibinigay sa bahagi ng Shaw-Boulevard EDSA ngunit sa lungsod ng Maynila ay hanggang September 4 ang permiso sa vigil-rally ng INC.

Sa Camp Crame kahapon, napagkasunduan na ilapat ang maximum tolerance sa vigil-rally ng INC. Pinangunahan ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas ang assessment conference sa sitwasyon sa EDSA.

Ang bilang ng mga kasapi ng INC sa EDSA ay inaasahang madaragdagan pa sa kabuuan ng araw na ito, August 31.

Read more...