DOJ, nagtalaga ng OIC sa BuCor

Matapos magbitiw sa Bureau of Corrections (BuCor) si dating Director General Benjamin Delos Santos, nagtalaga ng officer-in-charge sa ahensya si Justice Sec. Vitaliano Aguirre.

Itinalaga ni Aguirre si Rey Raagas na pinuno ng Administrative Division ng BuCor, para pansamantalang pamunuan ang ahensya.

Sa department order ni Aguirre, inaatasan nito si Raagas na pamunuan ang day-to-day operations sa BuCor partikular ang tungkulin ng isang director general.

Ito ay upang hindi umano mabalam ang operasyon sa BuCor habang wala pang nahihirang na bagong pinuno.

Una nang sinabi ni Aguirre na irerekomenda niya kay Pangulong Rodrigo Duterte si Dionisio Santiago para pumalit kay Delos Santos.

Gayunman, kakahirang pa lamang kay Santiago bilang chairman ng Dangerous Drugs Board.

 

 

 

 

Read more...