Dating Sen. Jinggoy Estrada, humarap sa Sandiganbayan para sa unang araw ng kaniyang plunder trial

Inquirer.net Photo

Sinimulan na ng Sandiganbayan ang unang araw ng paglilitis kay dating Senador Jinggoy Estrada para sa kanyang plunder case kaugnay ng pork barrel scam.

Nakasuot si Estrada ng puting jacket nang dumating ito sa Sandiganbayan fifth division Lunes ng umaga kasama ang police escorts.

Sinimulan na ang trial matapos magkasundo ang depensa at prosekusyon na totoong kopya ng mga dokumentong ang isinumite bilang ebidensya.

Noong panahon kasi ng pre-trial ay nalimitahan ang mga isyu na tatalakayin sa trial proper.

Kinasuhan si Estrada ng umano’y pagbulsa sa 183 million pesos na kickback mula sa kanyang priority development assistance fund na sinasabing ginamit sa mga pekeng proyekto sa pamamagitan ng mga pekeng foundations ng tinaguriang pork barrel scam queen na si Janet Lim Napoles.

Hindi pinabigyan ang dating senador na magpiyansa at ngayon ay nakakulong pa rin sa PNP custodial center sa Camp Crame kasama si dating Senador Bong Revilla habang ang isa pang akusado na si dating Senador Juan Ponce Enrile ay pinayagang magpiyansa dahil sa humanitarian reason.

Nahaharap din si Estrada sa 11 counts ng graft dahil sa paglabag sa anti-graft law.

 

 

Read more...