Nakumpleto na ng Israel ang paghahatid sa Pilipinas ng labingdalawang 155-mm 39 caliber towed howitzers (M-71),
Ayon sa Department of Defense, noong Biyernes dumating sa Manila ang siyam na armas mula sa Elbit Systems Land.
Tatlo sa mga ito ay ibibigay sa Marines, habang ang nalalabing anim ay sa Philippine Army.
Una nang dumating ang tatlong M-71 noong Hunyo na nasa kamay na ng Philippine Marine Corps.
Ayon sa Philippine News Agency, 438.62 milyong piso ang orihinal na halaga ng kontrata, kung saan kasama ang pagbili ng 240 units ng 155-mm high explosive shells at integrated logisitic support.
Nanalo sa bidding ang naturang Israeli company sa alok na 410.84 milyong piso.
MOST READ
LATEST STORIES