Operasyon ng The SM Store sa SM City North EDSA, normal, matapos ang sunog sa warehouse

Normal ang operasyon sa bahagi ng SM City North Edsa na nasunog kagabi.

Ayon sa abiso ng SM, tuloy ang operasyon ng kanilang “The SM Store” ngayong araw, sa kabila ng sunog na naganap sa warehouse nito.

Normal ding ipatutupad ang operating hours ng mall na mula alas 10:00 ng umaga hanggang alas 10:00 ng gabi.

Una nang sinabi ng Ayon sa statement ng SM Supermalls, na agad nakaresponde ang kanilang emergency response team at ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection para maapula ang apoy sa warehouse.

Wala din anilang nasaktan o nasugatan sa naturang sunog.

Patuloy pa ang imbestigasyon kung ano ang dahilan ng pagsiklab ng apoy.

 

 

 

Read more...