Si Landau ay pumanaw sa pagamutan, ilang araw matapos siyang ma-confine dahil sa hindi tinukoy na sakit.
Umabot sa halos 200 pelikula at television shows ang nagawa ni Landau sa kabuuan ng kaniyang career.
At ang unang break niya sa telebisyon ay ang “Mission: Impossible” noong 1966 kung saan siya humakot ng awards mula sa Emmys at Golden Globe Award.
Pinakamalaking role naman na kaniyang pinagbidahan sa pelikula ay ang “North by Northwest”.
Si Landau ay na-nominate para sa Best Supporting Actor Academy Award noong 1988 para sa pelikulang “Truker: The man and His Dream” pero hindi siya pinalad sa Oscar gayunman, nakuha niya naman ang nasabing award sa Golden Globe.
Noong 1994 nang magwagi na siya bilang Best Supporting Actor sa Oscar para sa pelikulang “Ed Wood”.