Calbayog City, nakapagtala na rin ng mga bakwit mula Marawi City

Photo from Calbayog Journal

Mga mga naitala ring mga bakwit mula sa Marawi City ang lungsod ng Calbayog sa Samar.

Ito ang kinumpirma ni Calbayog City Acting Police Chief, Supt. Mateo Macale kung saan sinabi niya na hindi bababa sa limampung mga Maranao ang nasa lungsod ng Calbayog ngayon matapos lumikas sa Marawi City nang sumiklab ang gulo doon nuong Mayo 23,

Ayon kay Macale, kanila nang isinailalim sa profiling ang mga ito para maging basehan umano nila sa pagmonitor sa galaw nila sa lungsod.

Sinabi ng opisyal na bagaman hindi kaduda-dua ang kilos ng mga Maranao na dumating sa Calbayog ay inalam nila kung bakit sa kanilang lungsod  ang pinili ng mga ito na pansamantalang manirahan.

At batay umano sa kanilang pagsisiyasat ay may mga kamag-anakan na mga Muslim ang mga Maranao na bakwit na kasalukuyang nanunuluyan at nagnenegosyo sa Calbayog.

Unang dumating sa lungsod ang unang grupo ng mga Maranao noong Hunyo a-tres at sumunod naman ang isa pang grupo nuong June 28.

Tiniyak naman ni Macale na minomonitor ng tropa nila ang galaw ng mga ito kung saan mas pinaigting naman ng pulisya ang checkpoints sa mga pangunahing lugar sa lungsod partikular na ang sea ports salig na rin direktiba ng provincial police command.

 

 

 

 

Read more...