National day of protest ng mga tsuper at operator ng jeep, umarangkada na

Nagsimula nang magtipon-tipon sa bahagi ng elliptical road sa Quezon City ang iba’t ibang grupo ng mga operator at driver ng mga jeep.

Ito ay bilang bahagi ng kanilang caravan bunsod ng pagtutol sa phaseout sa mga luma nang jeep.

Bitbit ang naglalakihang streamers, nagsama-sama sa elliptical road ang mga driver at operator na nakatakda ring magtungo sa Mendiola.

Anila, ang itsura ng jeep ay orihinal na disenyo ng Pinoy kaya maituturing itong national treasure.

Habang ang mga panukalang bagong jeep o mga e-jeepneys ay disenyo anila ng mga dayuhan.

Una nang sinabi ng grupong PISTON na hindi transport strike ang kanilang isasagawa kundi transport caravan lamang.

Gayunman, ilang asosasyon na ng mga driver at operator ang nagpa-abiso sa kanilang mga miyembro hinggil sa strike.

Ang Marikina Disaster Risk Reduction and Management Council, nagpa-abiso sa mga pasahero na maaapektuhan ng strike ang mga jeep na may biyaheng SSS-Cubao, Pasig-Marikina, Marikina-Paenaan, Marikina-Antipolo at Marikina-Montalban.

Read more...