Para sa taong ito, iikot sa temang “a comfortable life for all” ang magiging SONA ni Duterte na inihanda ng kaniyang mga writers.
Ayon kay Andanar, inaasahan nang medyo magiging mas mahaba ang talumpati ni Duterte dahil sa una niyang SONA ay wala pa namang masyadong accomplishments ang administrasyon noon.
Hindi aniya katulad ngayon na marami nang nagawa ang administrasyon at marami na ring benepisaryo ang mga programang inilunsad ng pangulo.
Posible rin aniyang mabanggit ni Duterte ang mga pano niya sa susunod na limang taon, pati na ang resulta ng gyera ng gobyerno kontra iligal na droga.
Samantala, sinabi rin ni Andanar na dahil mahilig sa sorpresa ang pangulo, asahan na rin ang bigla nitong pag-adlib sa kaniyang talumpati.