Bigtime rollback sa produktong petrolyo, ipinatupad

 

inquirer file photo

Nagpatupad ng malakihang rollback ang mga oil companies para sa araw na ito, August 30, 2015.

Epektibo kaninang madaling-araw hanggang alas-sais ng umaga kanina, nagbawas ng P1.45 kada litro ng kanilang gasolina ang mga kumpanya ng langis sa pangunguna ng Petron.

P0.70 sentimos naman ang ibinawas ng Petron sa kanilang Turbo Diesel samantalang P0.90 senatimos sa kerosene.

Matapos ito, sumunod na ang iba pang kumpanya ng langis na nagpatupad ng kahalintulad na bigtime rollback.

Nitong nakalipas na linggo lamang, nagkaltas na rin ng P1.10 ang mga oil companies sa presyo ng gasolina, P0.25 sa kerosene samantalang P0.40 naman sa kada litro ng diesel.

Ito na ang ikasampung pagkakataon na nagbawas ng presyo ng produktong petrolyo ang Petron.

 

 

Read more...