Driver ng Uber at Grab na walang prangkisa, huhulihin na ng LTFRB simula July 27

 

Bago matapos ang buwan, sisimulan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang panghuhuli sa mga driver ng mga ride-sharing companies tulad ng Uber at Grab na patuloy na nag-ooperate nang walang kaukulang prangkisa mula sa ahensya.

Ito’y matapos na maglabas ng ‘cease with dispatch order’ ang LTFRB sa mga transport network companies na patuloy na nagpapabyahe ng mga sasakyan kahit walang kaukulang Certificate of Public Conveyance o Provisional Authority

Ayon sa LTFRB, pagkatapos ng July 26, hahanapan na ng mga Certificate of Public Conveyance o di kaya ay Provisional Authority ng ahensya ang mga driver ng mga naturang transport network vehicles.

Kung mahuhuli ang mga ito nang walang opisyal na dokumento, maaring pagmultahin ng hanggang P120,000 pesos ang mga driver at operator at ma-impound pa ng hanggang tatlong buwan ang kanilang mga sasakyan.

Una rito, inamin ng Grab at Uber na malaking porsiyento ng kanilang mga accredited driver ang walang prangkisa o provisional authority mula sa LTFRB.

Dahil dito, pinatawan ng tig-limang milyong pisong multa ng ahensya ang dalawang kumpanya.

Read more...