Crete, Greece, niyanig ng magnitude 5.3 na lindol

Courtesy: Google

Niyanig ng magnitude 5.3 na lindol ang isla ng Crete sa Greece kaninang alas onse y medya ng gabi, oras sa Greece.

Sa ulat ng Institute of Geodynamics ng Greece, malapit ang epicenter ng lindol sa bayan ng Ierapetra na may lalim na 10 kilometro.

Batay sa local media ng naturang bansa, walang naitalang patay o sira sa ngayon sa kabila ng malakas na naramdamang yanig sa silangang bahagi ng isla.

Samantala, tatlong aftershocks na ang naitala sa lugar na may lakas na magnitude 3.5.

Read more...