ADMU Lady Eagles, DLSU Lady Spikers, muling magkakaharap para sa isang benefit match

Inquirer photo

Nakatakdang magharap muli ang dalawang powerhouse teams ng UAAP na Ateneo de Manila University at De La Salle University sa isang one-game battle sa SM Mall of Asia Arena mamayang hapon.

Isasagawa ang laban sa pagitan ng Lady Eagles at Lady Spikers para sa isang benefit match na pinangalanang “Battle of the Rivals.”

Inaasahang makikita muli sa kanilang blue and white jersey uniforms ang volleyball superstar na si Alyssa Valdez kasama sina Denden Lazaro, Jia Morado, Ella De Jesus, Amy Ahomiro at mga kasalukuyang manlalaro ng koponan

Magsisilbi namang team captain ng Green and White side si Mika Reyes katuwang sila Kim Fajardo, Ara Galang, Cha Cruz, Michele Gumabao, Aby Marano, Chie Saet, Cyd Demecillo at iba pa sa pangunguna ni 10-time UAAP champion coach Ramil de Jesus.

Layunin ng reunion match na makakalap ng pondo para sa scholarship programs ng Ateneo de manila University Foundation, De La Salle University Foundation at Rebisco Foundation Inc.

Read more...