Pang. Duterte, inamin ang pagsusuplay ng armas US sa Pilipinas

Inanim ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagsusuplay ng armas ang Estados Unidos sa pwersa ng gobyerno upang labanan ang Maute terror group sa Marawi City.

Kasama rin aniya ang China sa pagsusuplay ng mga armas at bala sa bansa.

Ngunit paglilinaw ng pangulo, walang bagong military alliance ang Pilipinas sa ibang bansa dahil labag ito sa defense treaty ng US at Pilipinas.

Paliwanag nito, responsibilidad lang niyang protektahan at ipagtanggol ang mga Pilipino.

Nagparating din si Duterte na bukas siya sa mga nais tumulong para tuluyang tugisin ang teroristang grupo sa bahagi ng Mindanao region.

Read more...