Isang bayan sa Bulacan, binaha dahil sa malakas na ulan

Courtesy: Google

Naperwisyo ang mga residente sa Sta. Maria sa lalawigan ng Bulacan dahil sa pitong oras na pagbaha sa ilang bahagi ng lugar.

Partikular na naapektuhan ang Brgy. Tumana sanhi nang malakas na pag-ulan.

Gayunman, ayon sa mga residente, madalas na rin silang binabaha kapag patuloy ang pagbuhos ng malakas na pag-ulan.

Pero hindi umano nila maiwasang matakot na magkasakit lalo’t marumi ang tubig-baha at may humahalo din sa baha na mula sa mga poulty farms.

Nakadagdag din umano sa mabilis na pagtaas ng tubig ang mga nakatiwangwang na proyekto sa kalsada sa lugar kung saan ang ilang panambak ay nakabara sa mga daluyan ng tubig.

Panawagan nila sa lokal na pamahalaan na ayusin na aksyunan ang kanilang reklamo dahil sa perwisyong dulot nito sa kanila.

Read more...